Libreng bilateral tube ligation, handog sa mga kababaihan sa Kawit

Naglunsad ng libreng Bilateral Tube Ligation ang lokal na pamahalaan ng Kawit katuwang ang ilang family planning organization sa bansa.

Nagkaloob ng libreng Bilateral Tube Ligation ang Rural Health Unit ng lokal na pamahalaan ng Kawit katuwang ang Family Planning Organization of the Philippines, at DKT Philippines para sa mga kababaihan sa bayan.

Ayon kay Mayor Angelo G. Aguinaldo, layunin ng naturang programa na suportahan ang mga kababaihan at isulong ang responsable at makataong family planning.

“Maraming salamat sa ating RHU na nanguna sa programang ito na nagbigay ng daan sa mga kababaihan ng Kawit na boluntaryong sumailalim sa ligation para sa kanilang sarili at pamilya,” pasasalamat ng alkalde.

“Maraming salamat sa Family Planning Organization of the Philippines, DKT Philippines, at sa ating Kawit RHU para sa programang ito,” dagdag pa niya.

Total
0
Shares
Related Posts