Isang lalaki mula sa Dasmarinas, Cavite ang gumawa ng Filipino version camper van gamit ang hari ng kalsada.
Paandar ito ni Francis Amoroso, 30, isang negosyante at travel enthusiast.
@bahayjeepney 1st ever Camper Jeepney in the Philippines! #campervanconversion #camper #camperlife #travelph ♬ original sound – Bahay Jeepney
Aniya, mahilig umano siyang manood ng camper van videos mula sa ibang bansa kung saan ginagawang tila bahay ang loob ng sasakyan.
Ito ang nagtulak sa kaniya na gumawa ng Pinoy version nito at tuparin ang pangarap na maglibot sa iba’t ibang parte ng Pilipinas. Ito rin umano ang kauna-unahang bahay-jeep sa bansa.
Naisip din umano ni Amoroso ang konsepto na jeep ang gamitin dahil pa-phase out na ang mga ito.
Aabot naman sa humigit kumulang P500,000 ang nagastos ng lalaki para sa pagcostumized nito.
Photo courtesy by Francis Amoroso
Nakapag-roadtrip na rin ang camper jeep sa NCR, Quezon, Sorsogon, Albay, at Batangas kasama ang pamilya at kaibigan ni Amoroso.
@bahayjeepney Biglaang lakad with our Camper Jeepney 😊 #camper #vanlife #camperconversion #philippines #travelph ♬ Sports race challenge opening – SOUND BANK