Extended ang libreng sakay sa mga EDSA bus carousel hanggang sa Disyembre 2022, ayon sa Department of Transportation (DOTr).
Bukod pa rito, magkakaroon rin ng libreng sakay sa MRT-3, LRT-2, at PNR para sa mga estudyanteng lalahok sa face-to-face classes sa Agosto.
Photo courtesy of Department of Transportation (DOTr) / Facebook
Ito’y matapos na aprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong Biyernes ang memorandum na isinumite ng DOTr.
“Considering the welfare of students, however, whose learning outcomes have been disproportionately affected by the pandemic, the undersigned recommends implementing a Libreng Sakay for Students Program for the First Quarter of School Year 2022-2023, or from 22 August 2022 to 04 November 2022. The Libreng Sakay for students will be implemented in MRT-3, LRT-2, and PNR,” ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista.
“The move will ease the burden of rising living expenses on Filipino families and help them save money, especially with the return of face-to-face classes after more than two years,” dagdag pa ng DOTr.
Ayon pa sa DOTr, hindi na kayang palawigin pa ang libreng sakay sa lahat ng pasahero ng MRT-3 kung kaya’t inirekomenda rin nila na itigil ito.