Kinokonsidera ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang alok ng South Korea na buhayin ang kontrobersyal na Bataan Nuclear Power Plant.
“Napag-usapan din namin [ng South Korean ambassador] yung offer nila at yung nakapunta na dito na mga expert ng nuclear power para tingnan ang Bataan Nuclear Power Plant, para makita kung ano ba ang maaaring gawin, [kung] puwede pang ituloy o kailangan na ba magtayo ng bago,” ani Marcos sa isang press conference matapos ang kanyang pakikipag-usap sa mga ambassador.
Photo Courtesy of Bataan Nuclear Power Plant Facebook Page.
“Binuhay namin muli ang diskusyon na ‘yun. Although they have come before, we will now study their recommendation, their findings and we will see if we can still apply,” dagdag pa niya.
Bukod sa South Korea, nagsagawa rin ng courtesy call si Marcos sa mga ambassador ng Japan, India, at Chargé D’affaires ng Amerika.
Ilan sa iba pang napag-usapan ay ang pagpapalakas ng ugnayan ng bansa, extension ng visiting forces agreement ng Amerika, mga isyu sa seguridad at climate change.