Noveleta walang naitalang aktibong kaso ng COVID-19

Walang naitalang aktibong kaso ng COVID-19 sa bayan ng Noveleta noong Nobyembre 23, ayon sa Facebook post ni Mayor Dino Reyes-Chua.

Walang naitalang aktibong kaso ng COVID-19 sa bayan ng Noveleta noong Nobyembre 23, ayon sa Facebook post ni Mayor Dino Reyes-Chua.

Photo courtesy by Noveleta Health Office

“Malugod ko pong inaanunsyo sa inyo na ZERO Covid Cases na po tayo mula sa araw na ito,” ani ni Chua sa kaniyang Facebook post. 

Ayon sa Noveleta Health Office, nakamit umano nila ito dahil sa malawakang bakunahan sa kanilang bayan at sa disiplinang ipinamalas na rin ng mamamayan sa pagsunod ng health protocols. 

Samantala, hinihintay pa rin nila ang resulta ng RT-PCR test ng 11 hinihinalang COVID-19 cases ng bayan.

Pinasalamatan naman ni Chua ang mga medical frontliners at health workers na patuloy na nagsusumikap upang labanan ang krisis na ito. 

Bukod pa rito, sinabi rin ng alkalde na nakamit na ng bayan ang herd immunity dahil mahigit na sa 70 porsyento ng kanilang populasyon ang fully vaccinated. 

“Walang imposible sa pagkakaisa! Walang imposible sa Bayan ng mga Bayani,” wika pa ni Chua. 

Sa parehong araw, mayroong kabuuang 1,951 na kaso ng COVID-19 sa bayan kung saan 1,889 ang gumaling na at 62 ang namatay. 

Photo courtesy by Noveleta Health Office

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang malawakang bakunahan sa lugar. Dumating na rin ang COVID-19 booster shot kung saan unang makatatanggap nito ang nasa A1 category (health workers), susunod ang A2 category o mga Senior Citizens at A3 o person with comorbidities.

MAGANDANG BALITA NOVELETANIANS! Dumating na sa ating Bayan ang pinakahihintay nating COVID-19 BOOSTER SHOTS. Kagaya ng…

Posted by Noveleta Health Office on Tuesday, November 23, 2021

Matatandaang isa rin ang bayan ng Noveleta sa maagang nagpasimula ng pediatric population vaccination sa buong lalawigan ng Cavite noong Nobyembre 3

Total
0
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts