P40M smuggled na bigas nadiskubre ng BOC, iba pang ahensya

Sa pamamagitan ng joint inspection ng mga awtoridad, tumambad ang P40 milyong halaga ng posibleng smuggled na bigas sa mga warehouse sa Las Piñas City at Bacoor City noong Setyembre 14.

Tinatayang umabot sa P40 milyong halaga ng hinihinalang smuggled na bigas na galing Vietnam, Thailand, at China ang nadiskubre ng Bureau of Customs (BOC) at ng iba pang ahensya ng pamahalaan sa isinagawa nilang inspeksyon sa Las Piñas City at Bacoor City.

Bureau of Customs/Facebook.

Katuwang ng BOC sa pagsasagawa ng inspeksyon ang Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Enforcement and Security Service (ESS), Port of Manila (POM), Legal Service, Philippine Coast Guard at mga Brgy. Official.

Napag-alamang ibinebenta ng P1,320 ang bawat 25-kilo ng Vietnamese rice sa merkado kung saan katumbas nito ang P52.8 kada kilo.

Dagdag pa ng ahensya, nilabag nito ang mandato ng Department of Agriculture na dapat ay nasa P41 hanggang 45 kada kilo lamang ang mga ibinebentang well-milled at regular-milled rice.

“The warehouse owner claimed that they were not importers but rather rice traders. In response, Customs operatives requested the owner to provide proofs of payment of correct duties and taxes from their supplier or importer,” ayon sa ulat ng BOC.

Matapos ito, binigyan ng mga awtoridad ng 15 araw na palugit ang may-ari ng warehouse na magsumite ng mga kinakailangang dokumento upang maberipika na nagbabayad ng buwis at lehitimo ang isinagawa nilang importasyon ng mga bigas.

“This operation was carried out in line with President Ferdinand Marcos’s directive to intensify efforts against rice smuggling, hoarding and illicit trading in the country, aimed at ensuring affordable staple food for Filipinos amidst rising rice prices,” anila.

Total
0
Shares
Related Posts