CAVITE CITY – Isinusulong ng lokal na pamahalaan ng Cavite City ang reduced-to-paperless o cashless na mga transaksyon.
Gagawin nila ito sa pamamagitan ng paglulunsad ng web service portals bilang bahagi ng inaasahang implementasyon ng Cavite City LGU Operations Modernization and Transition to New Normal Planning Project.
Ayon sa isang Facebook post ng Cavite City Planning and Development Office, ang naturang programa para sa modernisasyon ay nagkakahalaga ng P68 milyon.

Dagdag pa rito, layunin umano ng naturang programa na magbigay ng tama at wastong impormasyon sa mga mamamayan at matugunan ang isyu ng digitalisasyon.
Bahagi rin ng naturang computerization program ang paggamit ng software engineering at data science and analytics services upang maging mas moderno ang sistema ng lokal na pamahalaan.
Base rin sa kanilang post, ang naturang proyekto ay magagamit para sa maraming serbisyo kabilang na ang mga sumusunod:
- general payment handling;
- online community tax certificate (CEDULA);
- business permit and licensing certifications and payment;
- real property tax order of payment and certifications;
- office appointment systems;
- online barangay registration; at
- geographic information system for infectious disease mapping