P5.4-B halaga ng illicit cigarettes kumpiskado sa Cavite

Nagsagawa ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng malawakang raid sa tatlong warehouse sa Indang at Dasmariñas kung saan bumungad sakanila ang mga ilegal na sigarilyo.

Nagsagawa ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ngmalawakang raid sa tatlong warehouse sa Indang at Dasmariñas kung saan bumungad sakanila ang mga ilegal na sigarilyo.

Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. sinalakay ng mga operatiba ang tatlong bodega dahil sa ilegal na paggawa at pagbebenta ng sigarilyo.

Ang nasabing raid ay isa sa pinakamalaking pagsalakay na isinagawa ng BIR kontra sa illicit cigarettes.

“We advise everyone to register their cigarette operations with the BIR and to pay proper excise taxes on those products. The BIR aims to protect legitimate businesses so if you register and pay your proper taxes, your businesses will be compliant. We want a level playing field so we protect registered businesses and raid illicit trade,” saad ni Commisioner Lumagui Jr.

Sa ginawang pagsalakay ng mga operatiba ay nasamsam ang case at mga makina sa paggawa ng sigarilyo, sako ng hilaw na tabako at pekeng internal revenue stamps sa tatlong warehouse.

Ang mga akusado ay nahaharap sa paglabag sa National Internal Revenue Code.

Total
0
Shares
Related Posts