Tinatayang nasa humigit kumulang P1.5 bilyong halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa dalawang magkahiwalay na buy-bust operation sa Cavite kung saan ay dalawang suspek ang nasawi sa isang operasyon noong Huwebes.
Nasabat ng pulisya ang 229 kilo ng hinihinalang shabu sa lungsod ng Bacoor at Imus.
Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, napagkilanlan sina Basher Bangon, 50, at Danilo Untavar, 51, bilang mga suspek sa isinagawang operasyon ng mga operatiba sa Springville Executive 1, Barangay Molino 3, Bacoor, Cavite, Huwebes ng 9:27 ng gabi.
Nagpaputok umano ng baril sina Bangon at Untavar sa mga operatiba na nagresulta sa engkwentro at pagkasawi nilang dalawa.
“Basher Bangon is a top-level drug personality and the leader of the Basher Drug Group. He has direct contact with Chinese Drug Syndicates and his main market are the Visayas and Mindanao areas,” pahayag ni Villanueva.
Samantala, sa isa pang buy-bust operation naaresto sina Aldwin Micoleta, 47, at kanyang asawa na si Lani Micoleta, 45 sa Barangay Magdalo, Bahayang Pag-Asa, Imus, Cavite dakong 9:15 ng gabi noon ding Huwebes.
Nakumpiska sa kanila bilang ebidensya ang humigit-kumulang 48 kilo ng shabu.
“We will be relentless in our efforts to suppress the supply of illegal drugs while also sustaining the gains that we have achieved through the Barangay Drug Clearing Program,” ani Villanueva.
Thumbnail Photo courtesy of PDEA Calabarzon Facebook Page