PCG ship repair facility sa Cavite City pinasinayaan

Pinangunahan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang blessing at turn-over ceremony ng bagong tayong Maintenance and Repair Group Workshop Facility mula US Government at Headquarters Coast Guard Maritime Safety Services Command (MSSC) noong ika-9 ng Mayo.

Pinasinayan ng Philippine Coast Guard ang kauna-unahang ship repair facility sa Sangley Point, Cavite City noong ika-9 ng Mayo.

Kasama ang US Department of Defense, ang konstruksyon ng nasabing pasilidad ay may budget na P54 milyon at may lawak na 400 square meters.

Ayon kay PCG Deputy Commandant for Administration Vice Admiral Allan Victor Dela Vega, may mahalagang papel ang bagong pasilidad sa pagpapanatili ng mataas na serbisyo, mataas na pamantayan ng operasyon sa mga sasakyang pandagat, paglaban sa ilegal na pangingisda, pagpapalakas ng kamalayan, at pagtugon sa mga gawaing ng dayuhan na labag sa batas ng Pilipinas.

Dagdag pa rito, nagpasalamat rin si Dela Vega sa US sa suporta nito sa pagpaparayo ng pasilidad at binigyan diin din nito ang kahalagahan ng pagtutulungan at kooperasyon sa pagitan ng US at Pilipinas.

Tiniyak ni Deputy Chief of Mission Robert Ewing na patuloy ang pagtutulungan ng US at Pilipinas sapagkat nagpapabuti at nagpapalakas ito ng seguridad sa karagatan sa bawat rehiyon.

Ang US State Department’s Bureau of International Narcotics and Law Enforcement Affairs ay magbibigay ng pera para sa pagbili ng mga kagamitan at iba’t-ibang uri ng training para sa mga magkukumpuni sa Maintainance and Repair Group.

Thumbnail photo courtesy of Philippine Coast Guard | FB

Total
0
Shares
Related Posts