Pekeng abogada, tiklo sa Silang

Tila magsasama-sama sa kulungan ang kanyang mga nabiktima at ang isang 25-anyos na babae na nagpanggap na abogado sa Silang, Cavite.

Tila magsasama-sama sa kulungan ang kanyang mga nabiktima at ang isang 25-anyos na babae na nagpanggap na abogado sa Silang, Cavite.

Ito ay matapos matuklasan na peke ang mga dokumentong natanggap ng mga awtoridad.

Sa bisa ng arrest warrant, balik-rehas ang tatlong biktima na nauna nang inaresto dahil sa kasong pagnanakaw at iligal na droga dahil peke umano ang release order na ipinasa nila sa pulisya.

Ayon sa ulat ng Cavite Police Station, nagmula umano ang pekeng dokumento sa ginang na nagpakilalang abogada at nag-alok sa mga biktima ng tulong para sila ay makalaya.

Nagbayad umano ng halos P300,000 ang mga biktima sa suspek ngunit kalauna’y napagtanto nila na pineke umano ang kanilang mga dokumento.

Posibleng maharap sa kasong estafa at falsification of public documents ang ginang.

Sa eksklusibong balita rin ng ABS-CBN News, napag-alaman na dati nang naaresto ang ginang matapos niyang magpanggap naman bilang isang pulis noong 2020.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Cavite mayors, nanguna sa Abril 2025 Job Performance Rating ng ORPI

Batay sa pinakahuling Job Performance Rating ng One Research Philippines Inc. (ORPI), nanguna si Mayor Randy Salamat ng Alfonso bilang top performing municipal mayor sa Cavite para sa Abril, na may 94% na rating. Sinundan siya ni Mayor Lawrence Arca ng Maragondon (92%) at Mayor Dino Chua ng Noveleta (91%). Ang survey ay sumukat sa kasiyahan at tiwala ng publiko sa pamumuno ng mga alkalde sa iba't ibang aspeto ng serbisyo.
Read More

CAVITEX C5 link to be completed by Q4 2022

Cavitex Infrastructure Corporation (CIC), a subsidiary of Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), announced on Tuesday that it is planning to open in the fourth quarter of 2022 the expressway connecting CAVITEX to C5 Road in Taguig, which is now 20 percent complete.