Bloodletting program inilunsad sa General Mariano Alvarez, Cavite

Bilang pakikiisa sa National Blood Donors Month, nagsagawa ng bloodletting activity ang pamahalaang bayan ng General Mariano Alvarez (GMA) kasama ang Cavite Blood Council (CBC) at Tau Gamma Phi/Sigma GMA Municipal Chapter nitong Hulyo 9.

Bilang pakikiisa sa National Blood Donors Month, nagsagawa ng bloodletting activity ang pamahalaang bayan ng General Mariano Alvarez (GMA) kasama ang Cavite Blood Council (CBC) at Tau Gamma Phi/Sigma GMA Municipal Chapter nitong Hulyo 9.

Pinangunahan din ni GMA acting Mayor Maricel Torres ang naturang aktibidad kabilang ang mga opisyal at empleyado ng naturang bayan na may temang “Mass Blood Donation 2021: Give Blood and keep the world beating.”

“Let’s help. Lets’ do our share in donating our blood. Makaka-save iyon ng buhay ng taong nangangailangan ng dugo… let’s help this advocacy,” pahayag ng alkalde.

Dagdag pa rito, nagpaabot ng pasasalamat ang mga opisyales ng naturang bayan sa mga nakibahagi at tumulong sa programa.

Ani Torres, “Nawa ay taon-taon natin na makatuwang ang kapatiran ng Tau Gamma Phi/Sigma sa ganitong proyekto na pangunahing layunin ay makatulong sa kapwa.”

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Dalawang arestado; P12-M halagang ipinagbabawal na vape nasamsam sa Cavite 

Inaresto ng CIDG ang dalawang indibidwal sa Barangay Molino 3 matapos makumpiska ang tinatayang P12 milyong halaga ng ipinagbabawal na vape products. Ayon kay CIDG Director Maj. Gen. Robert Morico II, ang mga produkto ay may labag na flavors at naglalaman ng nakalalasong sangkap. Ang mga suspek ay nahaharap sa paglabag sa RA 11900, at patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang pinagmulan ng mga ilegal na vape.