Bilang pagdiriwang sa International Animal Welfare Week, nagsagawa ng iba’t ibang programa ang mga bayan sa Cavite para sa pangangalaga ng mga hayop.
Nagkaroon ng ground-breaking ceremony para sa kauna-unahang dog pound facility sa Bayan ng Silang bilang tugon sa problema ng mga aso na nagkakalat at upang mabawasan ang bilang ng mga nakakagat ng aso.
Ngayong araw po ay nagkaroon ng Ground Breaking Ceremony ang Pamahalaang Bayan ng Silang para sa kauna-unahang Dog Pound…
Posted by Office of the Mayor of Silang on Tuesday, October 4, 2022
Umaabot naman sa 200 indibidwal ang nababakunahan kontra rabies araw-araw dahil sa kalmot ng pusa at kagat ng aso, ayon sa Rural Health Unit – Silang.
Sa Cavite City naman, mayroong libreng kapon at anti-rabbies vaccine na handog ang City Veterinary Office kasama ang lokal na pamahalaan noong Oktubre 3-8, 2022.
Nagkaroon din ng pet blessing sa Samonte Park Covered Court kung saan namahagi rin ng bitamina para sa mga hayop.
ANIMAL WELFARE WEEK 🐶🐱 City government of Cavite in coordination with the office of the City Veterinarian, supported by…
Posted by City Government of Cavite on Monday, October 3, 2022
Tampok din sa Cavite City ang pet exhibit na dinayo ng mga residente sa lugar.
Photo courtesy by Anna Teresa Baleda
Hakbang umano ito ng Cavite City LGU kung saan inanyayahan ni Mayor Denver Chua ang mga may alagang hayop na makiisa sa mga programa ng pamahalaang lungsod at maging responsableng “fur parent.”
Samantala, mayroong free-deworming, pet blessing, at anti-rabbies vaccine din ang SOMO Mall sa bayan ng Bacoor noong Oktubre 8.
Photo courtesy by SOMO Mall