Family Planning Caravan umarangkada sa Kawit

Isinagawa ang Family Planning Caravan sa bayan ng Kawit bilang pagbibigay kaalaman sa mga residente nito ng mga tamang paraan ng pagpaplano ng pamilya.

Umarangkada ang “Family Planning Caravan” sa bayan ng Kawit kung saan ibinahagi sa mga residente ang kaaalaman tungkol sa iba’t ibang paraan ng family planning.

Bukod pa rito, namahagi rin ang lokal na pamahalaan ng contraceptives.

Katuwang sa naturang programa ang Family Planning Organization of the Philippines at DKT Philippines.

“Sa pakikipagtulungan natin sa DKT Philippines, maisasailalim din natin ang mga ina na interesado sa Bilateral Tube Ligation,” ani Mayor Angelo G. Aguinaldo.

“Tinitiyak natin sa ating mga kababayan na bilang bahagi ng ating programang pangkalusugan, nakatutok din tayo sa pangangalaga sa kalidad ng buhay ng bawat pamilyang Kawiteño,” dagdag pa ng alkalde.

Total
0
Shares
Related Posts