“We are thankful that we have not received reports of any of our kababayans being hurt or badly affected by the powerful earthquake that hit Taiwan this morning,” saad ni MECO Chairperson Silvestre Bello III.
“Based on our monitoring in Taipei and the reports from our field offices in Taichung and Kaohsiung, and the reports coming from our Filipino communities in Taiwan, there are no Filipino casualties or injuries in the aftermath of the earthquake and the aftershocks,” dagdag pa niya.
Kasabay nito, nagpahayag din si Pangulong Bongbong Marcos na tutulungan ng gobyerno ang mga kababayang naapektuhan ng lindol.
Tinatayang may mahigit 60,000 Pilipino ang nagtatrabaho sa Taiwan, ayon sa datos mula sa Department of Migrant Workers (DMW).
Sinigurado rin ng DMW na handa ang Taiwan Migrant Workers Offices na magkakaloob ng tulong sa mga apektadong overseas Filipino workers kung kinakailangan.