Pilipinas kampeon sa World Universities Debate sa unang pagkakataon

Umukit ng kasaysayan ang Pilipinas nang maiuwi nito ang kampeonato sa unang pagkakataon sa isinagawang World Universities Debating Championship.

Umukit ng kasaysayan ang Pilipinas nang maiuwi nito ang kampeonato sa unang pagkakataon sa isinagawang World Universities Debating Championship.

Photo courtesy of Ateneo Debate Society

Nakamit ng Ateneo de Manila University ang ginto matapos maungusan ang Princeton University ng United States, Sofia University ng Bulgaria, at Tel Aviv University ng Israel sa isinagawang debate tournament sa Madrid, Spain.

Ito ang kauna-unahang ginto ng Pilipinas, maging ng buong Southeast Asia sa naturang international debate tournament sa buong mundo.

Binubuo nina David Africa at Toby Leung, parehong kumukuha ng kursong Applied Mathematics, ang Team Ateneo A.

Photo courtesy of Ateneo Debate Society

Nakamit din ni Leung ang 2nd Open Best Speaker samantalang itinanghal namang pangwalo si Africa.

Pinagdebatehan sa championship ang pilosopiya ng Ubuntu (“I am because we are”) kung saan ang pagkatao ay hinubog lamang ng lipunan para sa iyo.

Oposisyon ang argumento ng Team Ateneo A.

“Your primary obligation are to yourself. The community should convince you to stay in that community,” wika ni Africa.

Samantala, kontra-punto rin ni Leung ang obligasyon sa komunindad.

“Yes, you have an obligation to your community, but doesn’t mean your preferences automatically align with what your perfect community says it should be.”

Sinunod ng kompetisyon ang British Parliamentary format kung saan ang topiko ay ginawa lamang 15 minuto bago magsimula ang debate.

Total
0
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts