ALAM MO BA: Bacoor City ang Marching Band Capital of PH

Tinaguriang “Marching Band Capital of the Philippines” ang Bacoor City matapos mapirmahan ang Proklamasyon No. 939 ni dating Pangulong Duterte noong 2020.

Sa proklamasyon, kinilala ang Bacoor bilang “Home of the Oldest Marching Bands” sa bansa.

Matatandaang pinarangalan ang lungsod ng Bacoor bilang first runner-up sa 2018 Best Event Hosing para sa City of Bacoor International Music Championship ng DOTATOP Pearl Awards.

Sa nasabing kompetisyon nagpasiklaban ang mga magagaling na bansa sa exhibition skills ng mga marching band na nilahukan ng pinakamahuhusay na banda mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Sa pagpapatuloy, kasabay ng ipinagdidiriwang tuwing fiesta taon-taon ang isinasagawang marching band parade sa kahabaan ng Evanghelista road

Ang nakagisnang tradisyong ito ng mga Bacooreño ay talagang nakakatatak na sa ating pamumuhay at namana natin sa mga dayuhan. Isa ang tradisyon na ito na nagpapatunay na nanatiling buhay noon at ngayon ang ating kultura. Sa pamamagitan ng aktibidad na ito nahahasa ng mga musikero ang kanilang talent sa pagsasayaw kasabay ng pagtugtog ng mga instrumento.

Total
0
Shares
Related Posts