Nagsawa ng iba’t ibang aktibidad ang City Environment & Natiral Resources Office (CENRO) ng General Trias bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng International Earth Day ngayong Abril.
Ipinakita ng CENRO Gentri ang Aling Tindera’s Plastic Waste-to-Cash program katuwang ang Plastic Credit Exchange ng Hopex Environment Group Inc.
Layunin nito na makapagbigay ng karagdagang pagkakakitaan para sa mga vendors sa pamamagitan ng pangongolekta ng plastic waste upang tulungang mabawasan ang basura sa lungsod.
Listahan ng mga tatanggaping uri plastic:
- Clear (walang labels at caps)
- Colored (walang labels at caps)
- Styrofoam
- Panligo
- Mga sachet
- Sando bags
Photo courtesy by CENRO Gen Tri
Bukod pa rito, nagkaroon din ng libreng webinar at oryentasyon para sa mga Gentrisenos ukol sa Balik Bote Program (Recycling of Waste Glass) via Zoom.
Katuwang ng CENRO Gen Tri ang Philippine Institute of Chemical Engineers – Cavite Chapter at San Miguel Yamamura Packaging Corporation.
Photo courtesy by CENRO Gen Tri
Nagtanim din sila ng mga puno katuwang ang iba’t ibang youth organization sa Bicatlan, General Trias.
Photo courtesy by CENRO Gen Tri
Ibinalik din nila ang BASURAFFLE program. Maaaring mag-ipon ng residual plastics ang mga mamamayan kapalit ng raffle ticket, kung saan posible silang manalo ng iba’t ibang papremyo mula sa raffle draw ng CENRO Gen Tri.
Photo courtesy by CENRO Gen Tri