Protektahan ang sarili sa mga sakit sa tag-ulan – DOH

Ngayong simula na ng tag-ulan, pinaalalahanan ng DOH-CALABARZON ang mga residente na maging maingat sa mga sakit na dulot nito.

Nagpaalala ang Department of Health (DOH) CALABARZON sa mga residente na maghanda sa mga sakit sa tag-ulan matapos na opisyal na idineklara ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) noong Biyernes na panahon na ng tag-ulan.

Ayon sa DOH-CALABARZON, maiging palakasin ang resistensya laban sa mga sakit tulad ng diarrhea, typhoid fever, cholera, leptospirosis, malaria o maging dengue.

“Personal hygiene including proper hand washing and regular community clean-up helps to combat these diseases,” pahayag ng DOH-CALABARZON.

Dagdag pang paalala ng naturang ahensya, sundin ang minimum health protocols tulad ng social distancing, proper cough etiquette, at pagsusuot ng facemask upang maiwasan ang pagkalat ng mga sakit.

Thumbnail photo via Erik Witsoe on Unsplash.

Total
2
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts