Tayo na’t magfood trip sa Kawit, sagot ‘yan ni mayor

“Nasaan kaya si mayor ngayon?”

Tila nakagawian na ng halos lahat ng Kawiteño na magtanong at hanapin ang kanilang alkalde hindi dahil siya ay nagtatago sa taumbayan kundi upang subaybayan ang kanyang #KainanSerye.

Sa gimik kasing ito, sorpresang dumadayo si Mayor Angelo Aguinaldo sa ilan sa mga sikat na food trip places o ‘di kaya’y inaarkila ang maliliit na stalls sa Kawit at nagbibigay ng libreng pagkain sa mga napapadaan doon.

Sa pamamagitan din ng Facebook Live, iniimbitihan din ni Mayor Angelo ang mga nanonood na magtungo kung nasaan man sila naroon para makatikim ng kanyang libreng food trip.

#PusoAtMalasakitKainanSerye ulit tayo tonight! Andito kami sa Tabon 2 Sa Wakas Unlirice! Tara na kain tayo! Libre ko ☺️

Posted by Angelo G. Aguinaldo on Tuesday, February 22, 2022

Mula sa libreng pa-ice cream, lugaw, pares, burger at iba’t-ibang klase ng street foods, maraming residente ang natutuwa at inaabangan kung saan susunod na manlilibre ang aklalde.

Marami ring mga negosyante ang nag-aabang at nagbabakasakaling sila na ang susunod na sorpresahin ng alkalde at pagkyawin ang kanilang mga paninda. 

Tara dito sa Lugawan sa harap ng St.Mary Magdalene Church! Kain tayo libre ko na 🤣

Posted by Angelo G. Aguinaldo on Thursday, February 10, 2022

Para naman kay Mayor Angelo, sa ganitong paraan ay hindi niya lamang natutulungang makabenta ang mga ito kundi natutulungan niya rin ang mga nagtitinda para mai-promote ang kanilang mga negosyo.

Aniya, ito ang pagpapakita ng suporta ng lokal na pamahalaan sa mga negosyante lalong-lalo na sa mga may-ari ng small and medium-sized enterprises (SMEs).

Bukod kay Mayor Angelo, kasama niya rin sa kanyang food trip series ang ilan sa mga konsehal ng bayan at kawani ng pamahalaan. 

Thumbnail photo screengrab from Mayor Angelo G. Aguinaldo FB live

Total
1
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts
Read More

Kilalanin si Mang Eddie, ang maabilidad na shoe-shine boy ng Cavite City

Noong mga panahong hindi pa laganap ang makabagong teknolohiya, maraming trabaho ang kinagisnan ng marami na naging parte na rin ng kanilang buhay. Ngunit dahil sa pag-usbong ng modernong panahon, ang mga trabahong manu-mano ay unti-unti nang naglalaho. Sa kabila nito, may mga hanapbuhay na kung ituring ng iba na makaluma na ang nananatiling buhay pa sa Cavite City. Kabilang na rito ang paglilinis, pagpapakintab, at pagkukumpuni ng mga sirang sapatos o tsinelas. Kilalanin sa istoryang ito si Eduardo Mateo Jr., o mas kilala bilang Mang Eddie, ang maabilidad na shoe-shine boy ng Cavite City.