Pinayagan ang mga walk-in sa mga COVID-19 vaccination sa ilang munisipalidad at lungsod sa Cavite.
Sa bayan ng Indang, tinatanggap na ang mga walk-in na magpapabakuna para sa 18 taong gulang pataas lamang at kinakailangan magdala ng valid ID.
Sa lungsod ng Imus, tinanggap din ang mga nagpabakuna noong Huwebes, Oktubre 21, hanggang Biyernes, Oktubre 22, sa lahat ng fixed vaccination center at drive-thru site para sa mga tatanggap ng unang dose ng bakuna kontra COVID-19.
Pinaalalahanan naman ni Imus City Mayor Emmanuel Maliksi na “first come, first serve” ang kanilang polisiya ukol dito.
Sa bayan ng Kawit, pinayagan rin ang walk-in basta mayroong dalang valid ID para sa mga nagpabakuna noong Oktubre 22 lamang.
Ito’y para sa pilot testing ng kanilang Rural Health Unit upang matukoy kung kakayanin na magiging epektibo ito.
Habang sa lungsod ng Tagaytay, binabakunahan na kahit ang mga residente sa mga karatig lugar o bayan basta mula sa lalawigan ng Cavite.
Thumbnail photo by Nataliya Vaitkevich from Pexels