Nasa 1,961 na residente sa bayan ng Naic ang nabakunahan kontra COVID-19 noong Oktubre 20 dahil sa pagpapatuloy ng mass immunization efforts ng lokal na pamahalaan.
Limangdaang Moderna vaccines ang naiturok sa mga tumanggap ng first dose at 1,482 naman ng Astrazenica ang naibigay sa mga nakatanggap na ng first dose ng bakunang ito.
Samantala, tuloy-tuloy pa rin ang vaccination roll out sa mga health and essential workers, senior citizens, at persons with comorbidity sa Stadium Shopping Strip, San Lorenzo Hospital, at Naic Medicare Hospital.
Tinututukan at hinihikayat din ng lokal na pamahalaan ang lahat ng residente sa Naic na magpalista na sa pagbabakuna upang makamit ang herd community.
“Tuloy-tuloy po tayo sa pagtutok na mabakunahan ang lahat dahil naniniwala po ang inyong lingkod na ito ang sagot sa pandemya. Iba na po ang may proteksyon. Mas maigi na ang may panangga tayo sa virus kaysa wala,” wika ni Naic Mayor Junio Dualan sa kaniyang Facebook post.
Inanunsyo naman ng alkalde ang pagbaba ng aktibong kaso sa kanilang lugar, mula 538 cases noong Setyembre 14, naging 65 na lamang umano ito noong Oktubre 15.
MENSAHE PARA SA BAYAN NG NAICMENSAHE PARA SA BAYAN NG NAIC Mga mahal kong Naicqueño, nagpapatuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa ating bayan. Sa loob lamang po ng halos isang buwan ay bumaba na ang ating Active Cases. Ito ay dahil sa ating malawakang Immunization Efforts laban sa nakamamatay na virus. Patunay lamang po na epektibo ang ating mga hakbang sa laban natin sa pandemyang dulot ng COVID 19. Malayo-layo pa po ang ating susuungin upang makamit ang inaasam nating Herd Immunity. Kaya naman paulit-ulit po kaming nakikiusap sa aking mga kababayan na magpabakuna na. No to Vaccine Discrimination! Yes to Herd Immunity! #unlaDnaic #AksyonatDiskarte
Posted by Municipality of Naic on Friday, October 15, 2021
Sa kasalukuyan, tumatanggap pa rin ng walk-in applicants ang RHU Naic sa lahat ng kanilang baranggay sa Stadium Shopping Strip o maaaring magpalista sa link na ito.