Patay ang isang barangay kagawad sa Kawit, Cavite matapos siyang barilin ng hindi pa nakikilalang suspek kahapon ng umaga, Pebrero 15.
Hustisya ang sigaw ng pamilya ni Konsehal Crisanto Villanueva, 43, matapos itong pagbabarilin sa harap mismo ng kanilang…
Posted by The Cavite Rising on Tuesday, February 15, 2022
Sa inisyal na report ng pulisya, bandang alas-8 ng umaga, pinaputukan umano si Villanueva ng isang suspek na nakasakay sa asul na motor at agad na umalis matapos tamaan ang biktima.
Nagtamo ng tama sa mukha at dibdib si Villanueva at agad na isinugod sa ospital ngunit idineklara na siyang dead on arrival.
Wala pa po kaming inilalabas na statement na tungkol sa Politika, huwag po sana kayo mag labas ng impormasyon na…
Posted by Juliana Ceirene Villanueva on Tuesday, February 15, 2022
Pinasinungalingan naman ng mismong anak ng biktima na si Juliana Ceirene Villanueva ang isang ulat na tila iniuugnay ang krimen sa politika.
“Wala pa po kaming inilalabas na statement na tungkol sa politika. Huwag po sana kayo mag labas ng impormasyon na maaaring mag-mislead sa mga tao,” ani Villanueva sa isang Facebook post.
“Wala rin po kaming binabanggit tungkol sa pagsuporta kung kanino ang naging dahilan ng pagkamatay. Kung maaring ibigay na muna lamang ang respeto sa aming pamilya sa pag dadalamhati sa pagkamatay ng aking ama,” dagdag pa niya.
Ipinararating po ng Pamahalaang Bayan ng Kawit ang buong pusong pakikiaramay sa pamilyang naiwan ni Kag. Crisanto T….
Posted by Angelo G. Aguinaldo on Monday, February 14, 2022
Samantala, nagpa-abot naman ng pakikiramay si Mayor Angelo Aguinaldo sa mga naulila ni Villanueva na inilarawan niya bilang “aktibong tagapaglingkod” at “responsableng bahagi ng kaniyang pamilya.”
Inatasan din ng alkalde ang otoridad na masusing imbestigahan ang insidente. Sa ngayon, patuloy pang inaalam kung ano ang motibo at kung sino ang nasa likod ng krimen.
“Huwag kayong titigil hangga’t hindi napapasakamay ng batas ang salarin at nabibigyang katarungan ang kamatayan ng ating kapwa lingkod bayan,” pag-utos ni Mayor Aguinaldo sa pulisya.
This is a developing story.
Thumbnail photo courtesy of Crisanto Villanueva’s Facebook