2 barangay sa Dasmariñas napili ng Comelec para sa BSKE pilot testing

Napili ng Commission on Elections (Comelec) ang dalawang barangay sa lungsod ng Dasmariñas sa isasagawang pilot testing ng Automated Election System para sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre 30.

Napili ng Commission on Elections (Comelec) ang dalawang barangay sa lungsod ng Dasmariñas sa isasagawang pilot testing ng Automated Election System para sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre 30.

Kabilang ang Poblacion at Paliparan III ng Dasmariñas sa tatlong barangay sa buong bansa, ayon sa pulong ng Comelec en banc noong Pebrero 15.

Napili rin ang Brgy. Pasong Tamo sa ikaanim na distrito ng Quezon City.

Ito ang tugon ng poll body sa hiling ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms na pag-aralan muna ang automated BSKE.

Nasa 84,100 ang rehistradong botante sa barangay election at 27,817 botante para sa SK election ang bilang sa tatlong barangay na mayroong kabuuang 227 clustered precincts.

Ayon kay John Rex Laudiangco, tagapagsalita ng Comelec, mas mapapaaga rin umano ang pagsusumite Certificate of Candidacies sa tatlong barangay upang mas maagang maimprenta ang pangalan ng mga kandidato sa “machine-readable official ballots.”

Dagdag pa niya, umabot na umano sa 22 milyong balota ang naimprenta para sa eleksyong ito.

Kasalukuyan pa ring gamit ng Comelec ang lumang disenyo ng balota na para umano sana sa na-postpone na eleksyon noong Disyembre 5, 2022.

Total
0
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts