3 paaralan sa Cavite makakatanggap ng Google Chromebooks

Napasama ang ilang paaralan sa Cavite sa mga pilot schools sa bansa na didiskubre sa makabagong paraan ng pagsasagawa ng klase sa pamamagitan ng isang online tool mula sa Google.

Napili ang tatlong eskwelahan sa Cavite na makakatanggap ng Google Chromebooks para sa National Pilot Program ng Department of Education (DepEd).

Ang Chromebook ay isang ‘Google Online Tool’ o laptop na mas pinasimple at pinadali ang pag-access sa iba’t ibang serbisyong inihahatid ng Google para sa mga guro at estudyante.

Ipinagmamalaki ng DepEd Tayo Cavite Province ang mga paaralang napasama sa mga paaralang makakatanggap ng Google Chromebooks.  Photo via DepEd Tayo Cavite Province.

Dagdag pa rito, ang naturang laptop ay maaaring magamit ng mga guro o estudyante sa remote learning o online class.

“Congratulations to Bucal National Integrated School, Indang National High School and Gen. Vito Belarmino Integrated National High School for being selected as recipient schools of Chromebooks for the National Pilot Program toward a new way of delivering classes through Google Online Tools,” pagbati ng DepEd Tayo Cavite Province sa kanilang Facebook noong Abril 14.

Sa kabuuan, 15 paaralan ang napili ng DepEd na mahahandugan ng mga laptop mula sa Google upang maihatid ang mas madali at modernong paraan ng pagtuturo at pagkatuto.

Thumbnail photo by Andrew Neel on Unsplash

Total
1
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts