3 patay, 4 sugatan sa pagsabog ng granada sa Cavite City

Tatlong katao ang nasawi at apat ang sugatan sa naganap na pagsabog ng granada sa Cavite City.

Umabot sa tatlo ang patay habang apat naman ang naiulat na sugatan kabilang ang suspek sa pagsabog ng granada sa Cavite City noong Enero 25.

Tatlo ang patay at apat ang naiulat na sugatan sa naganap na pagsabog ng granada sa Cavite City

Ayon sa pulisya, nagsimula ang nasabing pangyayari sa pagkakaroon ng kaguluhan ng dalawang grupo ng mga kabataan.

“Nakita ng rumespondeng tanod ang isa sa miyembro ng grupong sangkot sa nasabing gulo at ito ay may hawak na granada.  Ang daliri nito ay na sa firing pin at nagbabanta sa mga rumespondeng tanod na tatanggalin ang pin pag siya ay hinuli,” ayon sa sa inilathalang pahayag ni Cavite City Mayor Denver Chua sa kanyang Facebook page.

Nabitawan umano ng suspek ang granada na siyang naging dahilan ng pagsabog nito.

“Tayo po ngayon ay kasalukuyang nakipag-ugnayan na sa pamilya ng mga naapektuhan nang nasabing insidente. Nakikiramay naman tayo sa pamilya nang mga nasawi,” ani Chua.

Bunsod nito, magpapatupad ng curfew sa buong lungsod ang lokal na pamahalaan sa mga menor de edad o 18 taong gulang pababa simula Enero 26, alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw.

“Lagi po tayong mag-iingat, at iwasan natin masangkot sa mga ganitong uri ng kaguluhan. Hinihiling po namin ang panalangin ng bawat isa para sa mga biktima nang nasabing insidenteng ito,” aniya.

Total
0
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts