3 patay dahil sa road mishaps sa Cavite

Tatlo ang naitalang patay sa magkakahiwalay na road incident na nangyari sa Cavite sa unang araw ng taon batay sa ulat ng provincial police station.

Tatlo ang naitalang patay sa magkakahiwalay na road incident na nangyari sa Cavite sa unang araw ng taon batay sa ulat ng provincial police station.

Sa Tanza, isang 38-anyos na lalaki ang nasawi matapos mabangga ang minamaneho nitong sasakyan sa isang poste ng kuryente sa kahabaan ng Antero Soriano Highway.

Nagtamo ng mga pinsala ang biktima na agad sinugod sa San Lorenzo Hospital ngunit dineklara na itong dead-on-arrival.

Isang backrider naman ng motor ang napabalitang patay sa bayan ng Gen. Mariano Alvarez matapos mawalan ng kontrol ang kasama nitong driver na nagresulta sa pagbangga ng kanilang sinasakyan sa center island ng Congressional Road.

Nadala pa ang dalawa sa Carsigma Hospital at maswerteng nakaligtas ang driver na nagtamo lamang ng mga sugat at agad na inilipat sa ibang ospital.

Samantala, isang lalaki mula sa bayan naman ng Magallanes ang agad binawian ng buhay matapos itong madisgrasya habang minamaneho ang isang motorsiklo sa pakurbadang parte ng Kaytitinga Road.

Nawalan din umano ng kontrol ang biktima na papunta sana sa bayan ng Alfonso habang binabagtas ang pakurbadang parte ng kalsada.

Total
0
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts
Read More

PCG ship repair facility sa Cavite City pinasinayaan

Pinangunahan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang blessing at turn-over ceremony ng bagong tayong Maintenance and Repair Group Workshop Facility mula US Government at Headquarters Coast Guard Maritime Safety Services Command (MSSC) noong ika-9 ng Mayo.