Christmas Lighting Ceremony sa Kawit dinayo ng mga turista

Sama-samang sinalubong ng mga residente at turista ang pagbubukas ng Pink Christmas Lighting Ceremony sa Kawit, Cavite noong Sabado, Nobyembre 18.

Tampok sa naturang seremonya ang mga makukulay na Christmas lights at iba pang dekorasyon na nagpaliwanag sa parke.

Kawit Christmas Lighting Ceremony

Bukod pa rito, tampok din sa programa ang mga performer na sina Gessie K., Nef Medina, at Agsunta.

Samantala, nagpaabot ng pasasalamat si Mayor Angelo G. Aguinaldo sa mga dumalo sa nasabing programa.

“Gusto ko lang pong magpasalamat sa lahat ng pumunta at nakiisa sa atin sa matagumpay na pagbubukas ng Pink Christmas Lights kagabi,” saad ng alkalde sa kaniyang Facebook post.

“At syempre, sa ating mga naging katuwang sa pagbibigay nang may #RatedTripleA na paglilingkod kasama sina Vice Mayor Junbie Samala, Coun. Mommy Armie Aguinaldo, ating mga konsehal ng bayan, at Cong. Jolo Revilla,” dagdag pa niya.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

SEC, sinusuri ang trilyong piso halaga ng Villar Land

Nagsimula ang SEC ng imbestigasyon sa Villar Land Holdings Corp. matapos itong umabot sa P1 trilyon ang halaga. Siniyasat ng ahensiya ang mga transaksyon ng kumpanya para matiyak na walang insider trading, market manipulation, o anumang iregularidad. Ayon kay SEC Chairperson Francis Lim, layunin ng hakbang na mapanatili ang integridad ng pamumuhunan at tiwala ng publiko.