33 Kalaboso sa mga drug buy-bust operations sa Cavite

Nalambat ng Cavite police ang ilang indibidwal matapos magsagawa ng magkakahiwalay na drug buy-bust operations sa lalawigan.

Nadakip ng kapulisan ang 33 indibidwal sa mga isinagawang magkakahiwalay na buy-bust operation sa Cavite, kamakailan.

Ayon sa ulat ng Abante Tonite, nadakip ng Cavite police ang mga hinihinalang tulak sa iba’t ibang lungsod at bayan sa lalawigan.

Photo via Pexels

Sa naturang araw pinakamarami ang nadakip sa lungsod ng Dasmariñas na may hinuling 13 katao.

Sumunod dito ang bayan ng Naic na may anim na nadakip. Tatlo naman sa General Mariano Alvarez, tig-dadalawa sa mga lungsod ng Cavite, Bacoor, at mga bayan ng Noveleta at Carmona habang tig-iisa naman sa Tagaytay City, Indang, at Maragondon.

Kaugnay nito, limang babae naman ang kabilang sa mga hinuli ng pulisya.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Dalawang arestado; P12-M halagang ipinagbabawal na vape nasamsam sa Cavite 

Inaresto ng CIDG ang dalawang indibidwal sa Barangay Molino 3 matapos makumpiska ang tinatayang P12 milyong halaga ng ipinagbabawal na vape products. Ayon kay CIDG Director Maj. Gen. Robert Morico II, ang mga produkto ay may labag na flavors at naglalaman ng nakalalasong sangkap. Ang mga suspek ay nahaharap sa paglabag sa RA 11900, at patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang pinagmulan ng mga ilegal na vape.