Dumating na sa Pilipinas noong Oktubre 25 ang labindalawang bagong “fourth generation trains” na gagamitin para sa Cavite Extension project at Light Rail Transit Line 1 (LRT).
Photo courtesy by Art Tugade Facebook Page
Papalitan ng tren na ito ang 40-year-old first generation trains ng buong LRT at inaasahang magagamit na ng mga commuters sa 2022.
Sa panayam kasama ang Philippine News Agency, sinabi ni Light Rail Manila Corporation (LRMC) president at CEO Juan Alfonso na nanggaling umano ang mga tren sa bansang Mexico at Spain at kasalukuyang nasa testing at commissioning process ng mga Spanish engineers.
Samantala, ibinahagi naman ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na mas mabilis umano ang fourth generation trains kumpara sa kasalukuyang mga tren.
“Each Gen-4 train set consists of 4 LRVs (bagon), which can accommodate around 1,300 passengers. The state-of-the-art passenger train sets have destination signs up front, digital system, and special areas for wheelchairs making them PWD-friendly,” wika pa ni Tugade.
MORE TRAINS ARE COMING! The Department of Transportation (DOTr) has recently delivered the 12th brand-new 4th…
Posted by Art Tugade on Monday, October 25, 2021
Pinabibilis din umano ng LRT-1 ang signaling system nito para mabawasan ang oras ng paghihintay ng mga pasahero.
Samantala, sinabi naman ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), ang operator ng LRT Line 1, na nasa 62 porsyento nang tapos ang LRT Cavite Extension Project.
Sa ilalim ng LRT 1 Extension ay kabilang ang mga istasyong itatayo sa Zapote at Niog sa lungsod ng Bacoor pati na rin ang mga istasyon sa Redemptorist, Manila International Airport, PITX, Ninoy Aquino International Airport, Dr. A. Santos Avenue, at Las Piñas.
Target naman ng LRMC na ang unang bahagi ng LRT-1 Cavite Extension ay maging operational na sa taong 2024, habang inaasahang magbubukas naman ang natitirang istasyon ng naturang proyekto sa 2027.