Sinuspinde ng Department of Education (DepEd) ang face-to-face class sa lahat ng pampublikong paaralan sa bansa bunsod ng naitalang heat index ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) at ng inanunsyong nationwide strike sa Abril 29 hanggang 30.
Ipinag-utos ng DepEd na isagawa ang asynchronous classes o distance learning sa mga pampublikong paaralan.
Ayon pa sa ahensya, hindi na kinakailangang mag-report ng mga teaching at non-teaching personnel sa kanilang mga paaralan.
“However, activities organized by Regional and Schools Division Offices, such as Regional Athletic Association Meets and other division or school level programs, to be conducted on the aforementioned dates may push through as scheduled, provided that measures for the safety of all participants have been carefully considered,” dagdag pa ng DepEd.
Nilinaw naman ng DepEd na hindi sakop sa kanilang abiso ang mga pampribadong paaralan ngunit maaari rin nila itong ipatupad.