PSG tumanggap ng speedboat, mga jet ski mula Cavite LGU

Nagbigay ng mga donasyong sasakyang pandagat ang pamahalaang lalawigan ng Cavite sa Philippine Coast Guard (PCG) noong Miyerkules, Mayo 19.

Nagbigay ng mga donasyong sasakyang pandagat ang pamahalaang lalawigan ng Cavite sa Philippine Coast Guard (PCG) noong Miyerkules, Mayo 19.

Ang mga naturang sasakyang pandagat ay isang twin-engine 150HP speedboat at apat na jetskis o personal watercraft na gagamitin ng Coast Guard Station Cavite. 

Sa isang Facebook post ng naturang ahensya, sinabi ni PSG District NCR- Central Luzon Commander Commodore Leovigildo Panopio na makatutulong ito sa pagpapaigting ng kaligtasang pandagat, seguridad, at upang mapanatili ang pagprotekta sa kapaligiran ng naturang lalawigan.

Bumisita at nagpaabot ng pasasalamat si PSG District NCR- Central Luzon Commander Commodore Leovigildo Panopio kay Cavite Governor Jonvic Remulla. Photo courtesy of Philippine Coast Guard Facebook page.

Dagdag pa rito, gagamitin rin ang mga naturang sasakyang pandagat sa pagpapatupad ng batas at mga operasyon sa paghahanap at pagsagip ng buhay.

Samantala, nagpaabot naman ng pasasalamat ang naturang commander ng PCG kay Cavite Governor Jonvic Remulla.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Cavite, posibleng umabot sa 44°C Heat index; mahigit 55 lugar apektado ng matinding init — PAGASA

Naglabas ng babala ang PAGASA noong Abril 14 ukol sa inaasahang 44°C na heat index (danger level) sa Cavite para sa araw na iyon, kasunod ng naitalang 47°C sa Sangley Point noong Abril 13 (Linggo ng Palaspas). Mahigit 55 lugar din sa bansa ang inaasahang nakaranas ng mapanganib na heat index noong Abril 14. Pinaalalahanan ang publiko na patuloy na mag-ingat sa matinding init, lalo na noong nagdaang Semana Santa (Abril 13-19), sa pamamagitan ng sapat na hydration at pag-iwas sa direktang sikat ng araw at matinding gawain sa labas.