COVID-19 vaccination program sa unibersidad inilunsad ng CvSU GenTri

Inilunsad ng Cavite State University (CvSU) General Trias Campus ang ‘Bakunahang Generals’ program kontra COVID-19 na naglalayong mabakunahan ang lahat ng estudyante sa iba’t ibang kurso, faculty at staff ng unibersidad at ang iba pang mamamayan sa lungsod.

Ang naturang programa ay inisyatibo ng pamahalaang lungsod ng General Trias at ng kanilang City Health Office katuwang ang CvSU- General Trias Administration at Central Student Government.

Sagutan lamang ang pre-registration form ng mga intererisadong estudyante, faculty, at staff sa: https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSe-KwxG7G1HPgB3itwcYxer8uxAbg04dY1Oho_f3lJyUUq9uw/viewform

Sinabi rin ng naturang campus na hintayin lamang ang kanilang kumpirmasyon at ilalabas nila ang schedule ng mga babakunahan sa pamamagitan ng o email o text. 

“Do not forget to bring your own ballpen and wear your face mask and face shield at all times and practice social distancing,” paalala ng pamunuan ng campus sa mga magpapabakuna.

“For queries and clarification, feel free to contact Mr. Jonel Noche Camalig, Focal Person, Campus Vaccination Program at jonel.camalig@cvsu.edu.ph or Mr. Jose Gabriel Lerma at 0965-819-5624,” anila.

Photo source: unsplash.com/photos/cM1aU42FnRg

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Unity walk at Miting de Avance ng Team Puso at Malasakit, isinagawa sa Kawit, Cavite

Nagsagawa ng Unity Walk at Miting de Avance si mayoral candidate Armi Aguinaldo ng Team Puso at Malasakit, kasama si Congressman Jolo Revilla, sa Kawit, Cavite. Dumalo ang libo-libong Kawiteño at 22 Punong Barangay, na nagpapakita ng kanilang suporta sa tambalan. Naglabas din ng abiso ang grupo tungkol sa pansamantalang pagsasara ng kalsada para sa aktibidad.