33 Kalaboso sa mga drug buy-bust operations sa Cavite

Nalambat ng Cavite police ang ilang indibidwal matapos magsagawa ng magkakahiwalay na drug buy-bust operations sa lalawigan.

Nadakip ng kapulisan ang 33 indibidwal sa mga isinagawang magkakahiwalay na buy-bust operation sa Cavite, kamakailan.

Ayon sa ulat ng Abante Tonite, nadakip ng Cavite police ang mga hinihinalang tulak sa iba’t ibang lungsod at bayan sa lalawigan.

Photo via Pexels

Sa naturang araw pinakamarami ang nadakip sa lungsod ng Dasmariñas na may hinuling 13 katao.

Sumunod dito ang bayan ng Naic na may anim na nadakip. Tatlo naman sa General Mariano Alvarez, tig-dadalawa sa mga lungsod ng Cavite, Bacoor, at mga bayan ng Noveleta at Carmona habang tig-iisa naman sa Tagaytay City, Indang, at Maragondon.

Kaugnay nito, limang babae naman ang kabilang sa mga hinuli ng pulisya.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

P136-M halaga ng shabu nasabat sa Cavite

Tiklo ang tatlo sa limang suspek sa pagbebenta ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Bacoor City Lunes ng gabi, Abril 25, matapos itong mahulihan ng halos P136 milyong halaga ng hinihinalang shabu.
Read More

Lalaki nahati ng katawan matapos masagasaan at makaladkad sa General Trias, Cavite

Isang bus konduktor ang nasawi sa isang aksidente sa General Trias, Cavite matapos ma-hit-and-run ng isang kotse at makaladkad ng dump truck. Arestado na ang driver ng kotse habang pinaghahanap pa ang driver ng dump truck. Dahil sa insidente, nakikipag-ugnayan ang barangay sa LGU at provincial government upang maglagay ng mga early warning devices at muling pinturahan ang mga pedestrian lanes para maiwasan ang kaparehong trahedya.