Holdaper sugatan sa Bacoor shootout

Sugatan ang isang holdaper sa shootout sa Bacoor, Cavite matapos umano itong mahuli sa akto ng mga pulis noong Diyembre 13 ng tanghali.

Sugatan ang isang holdaper sa shootout sa Bacoor, Cavite matapos umano itong mahuli sa akto ng mga pulis noong Diyembre 13 ng tanghali. 

Sa ulat ng Region 4A police, nahuli ng patrol group ang suspek na si Chelito Gloria na tinangka umanong holdapin ang dalawang lalaking nagde-deliver ng sigarilyo sakay ng kaniyang motorsiklo sa Molino III. 

Nang sitahin, pinaputukan umano ng suspek ang mga pulis kaya pinaputukan nila ang mga ito pabalik.

Tiklo ang suspek na nagtamo umano ng sugat sa tagiliran na agad namang dinala sa ospital para gamutin.

Ayon sa panayam ni Police Lieutenant Ruther Saquilayan sa GMA News, matinik umanong holdaper ng mga delivery van ng sigarilyo si Gloria.

Suspek umano siya ng 15 kaso sa Bacoor City at Imus, at may standing warrant of arrest ito sa kasong ng murder with robbery sa Caloocan City.

Sinusubukan pa ring kunan ng pahayag ang suspek.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

41% ng mga Pilipino, Pabor sa Impeachment ni VP Sara Duterte

Patuloy na lumalakas ang kontrobersya na bumabalot kay Vice President Sara Duterte matapos ipakita ng pinakahuling SWS survey na 41% ng mga Pilipino ang pumapabor sa kanyang impeachment. Pangunahing dahilan ng suporta sa impeachment ang umano’y kuwestiyonableng paggamit ng confidential at intelligence funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd), ayon sa 46% ng mga respondent.
Read More

MMDA inilabas ang Top 20 traffic violations sa Metro Manila

Inilabas ng MMDA ang top 20 paglabag sa trapiko sa Metro Manila mula Enero hanggang Abril 2025, na naitala sa ilalim ng No Contact Apprehension Policy (NCAP). Nanguna ang disregarding traffic signs at illegal parking. May kaukulang multa at parusa ang bawat paglabag, na naglalayong paigtingin ang disiplina sa kalsada at mapaluwag ang trapiko.