BFP itinaas ang full alert status ngayong holiday season

Nakataas na ang ‘code red’ o full alert status ng Bureau of Fire Protection (BFP) simula Disyembre 23 hanggang Enero 1, 2024 bilang paghahanda ngayong holiday season.

Dahil kabi-kabila ang mga kasiyahan nitong Pasko at paparating na Bagong Taon, sumasailalim ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa full alert status kung saan nakaantabay ang ahensya sa mga sunog o anumang sakuna na maaaring maganap.

Photos via Bureau of Fire Protection/Facebook

Nagbigay din ng paalala ang BFP na umiwas ang publiko sa mga paputok at mag-ingat sa sunog.

“Kasabay ng mga kasiyahan at makukulay na pagdiriwang, ating isa-isip ang mga paalala ng inyong mga bumbero upang mailigtas ang ating mga pamilya, tirahan at ari-arian laban sa sunog,” pahayag ni BFP Chief Director Louie Puracan.

Ayon pa sa BFP, nakaantabay ang ahensya sa mga maaaring maganap na sunog.

Dagdag pa rito, maaaring tumawag sa numerong 911 para sa mga nangangailangan ng respunde sa sunog o anumang emergency.

Para naman sa mga residente na mula sa Cavite, ibinahagi rin ng ahensya na tumawag lamang sa numerong: 09678055581

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Pagtaas ng pamasahe sa LRT-1 kailangan para sa Cavite extension ayon sa DOTR

Ipinatutupad na ang taas-pasahe sa LRT-1 simula Abril 2, 2025, kung saan P20 na ang minimum at P55 ang maximum na pamasahe. Ayon sa DOTr at LRMC, kailangan ito para sa operasyon, pagpapatuloy ng Cavite extension, at pag-iwas sa inaasahang bilyon-bilyong pisong fare deficit. Tinututulan naman ito ng ilang commuter groups dahil dagdag-pasanin umano ito sa mga mananakay.