Vhong Navarro nagpasalamat sa hatol ng korte laban kina Deniece Cornejo, Cedric Lee

Pinatawan ng parusang reclusion perpetua sina Deniece Cornejo, Cedric Lee at 2 iba pa, matapos lumabas ang hatol na guilty sa kasong serious illigal detention na inihain ng aktor na si Vhong Navarro.

Pinatawan ng parusang reclusion perpetua sina Deniece Cornejo, Cedric Lee at 2 iba pa, matapos lumabas ang hatol na guilty sa kasong serious illigal detention na inihain ng aktor na si Vhong Navarro.

Madlangbayan.ph by pinterest

Sa kabilang banda, nagpasalamat ang aktor na si Vhong Navarro sa mga taong tumulong sa kanya sa airing ng “Showtime” noong Mayo 2 matapos lumabas ang desisyon ng korte.

“Maraming salamat sa RTC Taguig sa ibinigay ninyong justice sa akin na matagal ko na pong pinagdarasal, maraming salamat din sa aking legal team sa hindi ninyo pagbitaw at pagsama sa akin hanggang sa huli,” aniya.

Binaba ang kaso laban kina Lee, Cornejo, Zimmer Raz at Ferdinand Guerero sa Taguig Regional Trial Court Branch 153.

Dagdag pa rito, inutusan ng RTC ang mga akusado na bayaran ang aktor ng P100,000 sa indemnity, P100,000 sa moral damages at P10O,000 para naman sa expemplary damages.

Matatandaang sampung taon na ang nakakaraan mula nang maganap ang pagbubugbog sa aktor sa condo unit ni Cornejo sa Taguig City noong 2014. 

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Tatay Cardong Trumpo ng Cavite, Grand winner sa PGT Season 7

Si Tatay Cardong Trumpo, isang 55-anyos na construction worker mula Dasmariñas, Cavite, ang itinanghal na Grand Winner ng Pilipinas Got Talent Season 7. Nakamit niya ang ₱2 milyon matapos makakuha ng 99.5% ng boto para sa kanyang kakaibang trumpo tricks. Naantig ang publiko sa kanyang kwento at talento, na umabot sa mahigit 22 milyong views ang kanyang audition video.
Read More

3 Tsino na sangkot sa droga at human trafficking nahuli sa Cavite

Naaresto sa General Trias, Cavite ang tatlong Chinese nationals sa isang joint operation ng BI at PDEA. Nahulihan ang mga suspek ng shabu at drug paraphernalia, at napag-alaman din na sila ay mga overstaying aliens. Nahaharap sila sa iba't ibang kaso, kabilang ang paglabag sa immigration laws at illegal drugs. Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang iba pang sangkot sa krimen.