Lalaki, arestado matapos habulin at barilin ang kanyang live-in partner sa Cavite City

Naaresto ang isang lalaki sa Cavite City matapos paputukan ang kanyang live-in partner kasunod ng pagtatalo. Ayon sa CCTV at pulisya, hindi tinamaan ang biktima. Nahaharap ang suspek sa kasong attempted murder at paglabag sa gun ban.

Naaresto ang isang lalaki matapos habulin at paputukan ng baril ang kanyang live-in partner sa Barangay 29-A Caridad, Cavite City.

Sa kuha ng CCTV, makikitang tumatakbo ang babae sa eskinita habang hinahabol ng suspek. Makalipas ang ilang saglit, tinutok ng lalaki ang baril sa direksyon ng babae at pinaputukan. Ayon sa Cavite City Police, hindi tinamaan ang biktima.

Sa imbestigasyon, lumalabas na nag-ugat ang insidente sa pagtatalo ng dalawa matapos pagalitan ng babae ang suspek dahil sa malakas na pagpapatugtog habang ito’y umiinom. Tulog noon ang kanilang walong buwang gulang na anak.

Ayon sa suspek, hindi niya raw intensyong saktan ang babae at sinadya raw niyang ilihis ang putok. Hindi na nagbigay ng anumang pahayag ang suspek kaugnay sa insidente. Sa kabila nito, siya ay nahaharap ngayon sa patong-patong na kaso, kabilang ang attempted murder at paglabag sa umiiral na gun ban.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

SEC, sinusuri ang trilyong piso halaga ng Villar Land

Nagsimula ang SEC ng imbestigasyon sa Villar Land Holdings Corp. matapos itong umabot sa P1 trilyon ang halaga. Siniyasat ng ahensiya ang mga transaksyon ng kumpanya para matiyak na walang insider trading, market manipulation, o anumang iregularidad. Ayon kay SEC Chairperson Francis Lim, layunin ng hakbang na mapanatili ang integridad ng pamumuhunan at tiwala ng publiko.