EXPLAINER: Paano i-register ang iyong SIM card ayon sa SIM Registration Law?

Simula bukas, Disyembre 27, ipapatupad na ang SIM Registration Act at inaasahang milyon-milyong SIM card users ang magre-register.

Simula bukas, Disyembre 27, ipapatupad na ang SIM Registration Act at inaasahang milyon-milyong SIM card users ang magre-register.

Para sa ating #TCRExplainers, narito ang ilan sa mga dapat ninyong malaman kung paano i-register ang iyong SIM card.

Ano nga ba ang SIM Registration Act?

Nakasaad sa SIM Registration Act, o Republic Act No. 11934, na ang lahat ng SIM user sa bansa ay kinakailangang i-register ang kanilang mga mobile number at personal information sa kanilang mga telephone company provider.

Bakit kailangan kong i-register ang aking personal information?

Sa pamamagitan ng batas na ito, inaasahang maiiwasan ang mga illegal online activity kasama na riyan ang mga scamming, smishing, at online frauds.

Ibig sabihin, mapoprotektahan nito ang mga konsyumer laban sa mga ito dahil madali nang malalaman ng pamahalaan ang pagkakakilanlan ng SIM user.

Kailan ako pwedeng mag-register?

Simula Disyembre 27, 2022, maglalabas ng online registration forms ang bawat telco companies sa Pilipinas.

Para sa mga existing prepaid SIM card user, mayroong 180 days o halos anim na buwan na ilalaan ang pamahalaan para makapagregister. Sa mga may postpaid subcriber naman, kailangang siguraduhin nila ang kanilang mga impormasyon sa kanilang telco providers.

Kung ang phone number ay hindi nai-register, ito at made-deactivate.

Pwede bang mag-register nang higit sa isang SIM ang isang indibidwal?

Pwede, dahil wala namang nakasaad na limit kung ilang SIM ang pwede mong i-register sa iyong pangalan.

Anong mga impormasyon ang kailangan?

  • Full name
  • Date of Birth
  • Sex
  • Address
  • Phone Number

Paano ko i-reregister ang aking SIM?

  • Para sa mga indibidwal, kinakailangan ng isang valid government-issued ID o iba pang katulad na dokumento na may kalapit na larawan.
  • Para sa mga Juridical Entities, kailangan nito ng Certificate of Registration. Kung ito ay isang samahan o korporasyon, kinakailangan nito ng isang resolution na nagtatakda ng authorized representative. Sa kabilang banda, kung ito ay juridical person, kailangan nito ng special power of attorney.
  • Para sa mga menor de edad, kailangang maghanda ng isang valid government-issued ID at consent mula sa magulang o guardian.
  • Para naman sa mga turistang banyaga, kailangan nitong magpakita ng passport, address sa Pilipinas, at return ticket na nagpapakita ng date of departure.

Valid IDs

  • Passport
  • Philippine National ID
  • Driver’s License
  • Voter’s ID
  • SSS ID
  • GSIS e-Card
  • NBI Clearance
  • Police Clearance
  • Firearms’ License to own and possess ID
  • PRC ID
  • Senior Citizen’s ID
  • IBP ID
  • OWWA ID
  • BIR ID
  • UMID
  • PWD Card
  • Other valid government-issued ID with photo

Ano ang mga parusa kung may mangyaring paglabag sa batas na ito?

  • Kung ikaw ay naglagay ng maling impormasyon o gumamit ng mga pekeng dokumento, maaari kang makulong ng 6 na buwan hanggang 2 taon at/o P100,000 hanggang P300,000 na piyansa.
  • Kung ikaw ay nagbebenta o nagpapakalat ng registered SIM na hindi nakapag-comply sa registration, ikaw ay maaari makulong ng 6 na buwan hanggang 2 taon at/o P100,000 hanggang P300,000 na piyansa.
  • Kung ikaw ay nanggaya, nagkunwari, o nagpanggap (spoofing), pwede kang makulong ng 6 na buwan o higit pang taon at/o P200,000 na piyansa.
  • Kung ikaw ay magbenta ng nakaw na registered SIM, maaari kang makulong ng 6 na buwan hanggang 2 taon at/o P100,000 hanggang P300,000 na piyansa.
  • Kung ikaw ay nag-breach ng mga confidential information, ikaw ay magpipiyansa ng P500,000 hanggang P4,000,000.
  • Kung ikaw naman ay hindi nakapagregister o tumangging mag-register ng kanyang SIM:

– 1st Offense: P100,000 hanggang P300,000 na piyansa

– 2nd Offense: P300,000 hanggang P500,000 na piyansa

– 3rd Offense: P500,000 hanggang P1,000,000 na piyansa

Total
0
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts