OFW walang takot na humarap sa mga Taliban para mailigtas ang mga kapwa Pinoy

Isang Overseas Filipino Worker (OFW) na mula sa Cavite City ang naglakas-loob na sinuong ang mga Taliban para lamang mailigtas ang mga na-stranded na kapwa Pilipino sa Kabul, Afghanistan.

Isa si Elmer Presa sa mahigit 600 kataong lulan ng eroplano ng United States Air Force (USAF).

Kwento ni Elmer sa DZMM Teleradyo, wala nang dryaber na naglakas-loob na sunduin ang mga Pinoy na naipit sa embahada ng Amerika at Sweden matapos makontrol na ng mga Taliban ang lungsod ng Kabul.

Thanks be to God. Thank you all for your prayers for our safety. Thanks to Sir James and fellow workers who stand as a…

Posted by Elmer Presa on Tuesday, August 17, 2021

“Sabi ko sa aking boss, I will take risk to get my guys. So binigyan po ako ng pahintulot.. Sabi, ‘Elmer, you are on your own, you can do whatever you want, just bring them here,’” paglalahad ni Presa.

Nakiusap rin si Presa sa mga Taliban na padaanin siya upang maisama ang mga kapwa niya Pinoy.

“Nakiusap po ako sa mga Taliban, sila na po kasi ‘yung mga nagko-conduct ng checkpoints napakadami na po nila bigla sa labas… Ang sabi ko ay mayroon akong kukuning kababayan natin.. binigyan naman po ako ng pagkakataon kaya malaya po akong nakakilos hanggang sa na-retrieve po natin yung mga tropa nating Pilipino,” kwento niya.

Sinundo niya rin kinabukasan ang isa pang Pilipino na nasa isang hotel.

“Sabi ko may kaibigan akong Pilipino. Sabi ko pwede ba silang kunin na walang problema? Hinayaan po nila ako. Binigyan po ako ng opportunity kaya sinamantala ko po yung pagkakataon.”

Kuwento pa ni Presa sa naturang programa, iba’t ibang lugar ang pinagdalahan sa kanilang mga Pilipino ngunit ligtas naman daw silang lahat. Sa kasalukuyan, siya ay nasa US Military Base sa Doha, Qatar habang naghihintay ng oportunidad makauwi sa Pilipinas.

“Thanks be to God. Thank you all for your prayers for our safety. Thanks to Sir James and fellow workers who stand as a brother and sister and as a true leader during this hard times. Thank you US Airforce Air Mobility Command, Doha Qatar for your assistance, we truly appreciated it,” pasasalamat ni Presa sa kanyang Facebook post.

Total
44
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts