BACOOR CITY- Binuksan sa publiko ng pamahalaang lungsod ng Bacoor ang bagong gusali ng Resources Education Vocational Instruction Livelihood Learning Academic (REVILLA) Center sa San Nicolas II noong Pebrero 24.
Sa isang Facebook post ng City Government of Bacoor, pinangunahan ang naturang proyekto ni Bacoor City Mayor Lani Revilla, Lita Gawaran ng City Livelihood and Development Office, city councilors na sina Robert Advincula at Mike Bautista, at Benhur Baniqued ng TESDA sa Cavite.
“Ikinararangal kong ibalita sa inyo na bukas na ang bagong gusali ng REVILLA Center. Mas marami pa sa ating mga kababayan ang mabibigyan ng pagkakataon na makakuha ng training at livelihood courses para sa ikauunlad ng kanilang kabuhayan,” ani Revilla.
Base sa hiwalay na anunsyo ng City Government of Bacoor, ang naturang proyekto ay nagkakaloob ng Special Training for Employment Program (STEP) na may libreng training, allowance, ID at uniform, at isang taong insurance.
Dagdag pa rito, sa ilaim ng STEP ay ang mga kursong Bread and Pastry Production NC II, Cookery NC II, Agricultural Crops Production NC II, Shielded Metal Arc Welding (SMAW) NC I, Dressmaking NC II, Electrical Installation and Maintenance NC II, Automotive Servicing NC II, at Masonry NC II.
Samantala, matatandaan na kailan lamang ay may 248 mag-aaral ng naturang training center ang nakapagtapos sa kani-kanilang livelihood courses.