Ayuda ipinamahagi sa 2,500 benepisyaryo ng Kadiwa ng Pangulo sa Bacoor

Tumanggap ng tulong pinansyal ang 2,500 benepisyaryo ng Kadiwa ng Pangulo program sa Bacoor City.

Nagbigay ng tulong pinansyal ang lokal na pamahalaan ng Bacoor City sa 2,500 benepisyaryo ng Kadiwa ng Pangulo program sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development Region IV-A, City Social Welfare and Development noong Hunyo 15.

“Ang mahalagang suportang ito ay nagmula sa Opisina ng Pangulong Bongbong Marcos, na nagpapatunay sa dedikasyon ng pambansang pamahalaan sa pagtulong sa mga komunidad na higit ang mga pangangailangan,” pahayag ni Mayor Strike Revilla.

Kabilang din sa programa ang pagbibigay kaalaman sa mga Bacooreño ukol sa pagiging handa at ligtas sa sunog at La Niña na pinangunahan ng Bureau of Fire and Protection at Bacoor Disaster Risk Reduction Management Office.

Bukod pa rito, nagpapaalala rin ang mga awtoroidad sa mga ordinansa sa lungsod.

“Ang programang ito ay isang makabuluhang hakbang patungo sa suporta at pakikilahok ng komunidad, na nagpapalakas ng kolaboratibong pagsisikap ng mga ahensya ng gobyerno, lokal na pamahalaan at mga organisasyon sa pagpapabuti ng kapakanan ng mga mamamayan ng Bacoor,” ani Revilla.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Cavite, posibleng umabot sa 44°C Heat index; mahigit 55 lugar apektado ng matinding init — PAGASA

Naglabas ng babala ang PAGASA noong Abril 14 ukol sa inaasahang 44°C na heat index (danger level) sa Cavite para sa araw na iyon, kasunod ng naitalang 47°C sa Sangley Point noong Abril 13 (Linggo ng Palaspas). Mahigit 55 lugar din sa bansa ang inaasahang nakaranas ng mapanganib na heat index noong Abril 14. Pinaalalahanan ang publiko na patuloy na mag-ingat sa matinding init, lalo na noong nagdaang Semana Santa (Abril 13-19), sa pamamagitan ng sapat na hydration at pag-iwas sa direktang sikat ng araw at matinding gawain sa labas.