Plano ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na patawan ng 1% withholding tax ang mga online seller sa Disyembre.
Canva photo
Tiniyak ng ahensiya na hindi papatawan ng buwis ang mga malilit na online businesses kung hindi lalagpas sa P250,000 ang kanilang total annual gross remittance sa nakalipas na taon.
“Si buyer, nagbabayad kay platform. Si platform ang magbabayad kay seller. So bago i-remit ni online platform kay seller kung magkano yung dapat niyang makuha, less yung commission niya, magwi-withhold siya ng 1 percent of one-half of the revenue,” ani BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. sa isang press briefing.
Ang withholding task ay buwis na ipapataw sa negosyo para ipambayad sa mga serbisyo na ire-remit ng gobyerno.
Isinusulong ng Marcos Administration ang pagpapataw ng Value Added Tax sa mga digital services para mapalago ang government revenue.
“Our target is, hopefully, we can implement it by December or at the latest January of 2024,” dagdag pa ng Commissioner.