Libreng ipinagamit ng isang freelance designer ang kanyang ‘Baby Bus Font’ sa mga nagsusulputang community pantries sa iba’t ibang bayan ng Cavite.
Ayon kay John Misael Villanueva, 34, ang template na ito ay ginawa ng kanyang kaibigang font designer na si Dustin Carbonera.
“Inititive talaga ni Justin yung signage, ginamit [niya] lang yung font ko,” sabi ni Villanueva sa isang panayam.
UPDATE: Ginawan ko siya ng TEMPLATE. Powerpoint template para may friendly sa nakararami. Kaso shempre, yung name ng…
Posted by Dustin Carbonera on Sunday, April 18, 2021
Ang template ng signage ay maaaring magamit at ma-edit sa pamamagitan ng Google slides. Ito ay makikita ring nakapaskil na sa mga nakatayong community pantries sa loob at labas ng lalawigan.
Ayon kay Villanueva, kilala ang Cavite sa makulay at kakaiba nitong pampublikong sasakyan na baby bus. Dito umano siya kumuha ng inspirasyon upang magawa ang font na ito.
“I’m giving my font for free because I want to see it used by as many designers as possible. It is an effort to promote the beautiful hand-lettering designs that is truly Caviteno.”
Narito ang ilan sa mga libreng font designs ni Villanueva na maaaring i-download online:
Photo Courtesy by John Misael Villanueva
Photo Courtesy by John Misael Villanueva
Kamakailan lang ay kinilala rin si Villanueva bilang pangalawa sa 27 best font developers worldwide to hire on Upwork.