Target ng Department of Health – Calabarzon na magsagawa ng isang month-long blood donation drive sa buong rehiyon ngayong Hunyo bilang pakikiisa sa World Blood Donor Day.
Layon ng ahensya na makalikom ng 1,000-unit bag ng dugo at maibahagi rin ang kahalagahan ng pag-iimbak ng suplay ng dugo para sa mga pasyenteng mangangailangan nito.
Dagdag ni DOH-Calabarzon Director Ariel Valencia sa isang ulat ng Philippine Information Agency, ang pagbibigay ng ligtas at sapat na suplay ng dugo sa pamamagitan ng mga blood donation program ay dapat na maging parte ng health care policy ng bawat bansa.
Aniya, matutugunan nito ang malaking pangangailangan ng dugo sa ating bansa dahil ito lamang din ang kailangan kung ang pasyente sasailalim sa transfusion.
Ang mga dugong makokolekta ay ipapamahagi sa mga ospital na benepisyaro ng naturang programa, tulad ng General Emilio Aguinaldo Memorial (GEAM) Hospital, Philippine General Hospital (PGH), San Pablo Medical Colleges (SPMC), Calamba Medical Center (CMC), Batangas Medical Center (BatMC), Philippine Red Cross, at NL Villa Memorial Medical Center.
Narito ang listahan ng isasagawang blood donation drives sa rehiyon:
June 9, 2022 – Buenavista Municipal Function Hall, Buenavista, Quezon
June 10 – San Juan Gymnasium, Taytay, Rizal
June 11 – Los Banos, Laguna
June 13 – 2nd Floor Tower Mall, Trece Martires City, Cavite
June 14 – Lipa City Youth and Cultural Center, Lipa City, Batangas
June 16 – Quezon Convention Center, Lucena City
June 17 – TV5 Media Center, Reliance St., Mandaluyong City
June 17 – Tanay Gymnasium, Tanay, Rizal
June 17 – Batangas Police Provincial Office, J.P., Laurel Highway, Camp Malvar, Batangas City
June 18 – 5th Field Artillery Battalion, Army Artillery Regiment Philippine Army, Tanay, Rizal
June 18 – Iglesia Ni Cristo, Lokal ng Lucena City, Quezon
June 23 – Talisay RHU, Poblacion 5, Talisay, Batangas
June 24 – Mendez Covered Court, Mendez, Cavite
June 29 – General Trias, Cavite