COVID-19 vaccination roll-out orientation isinagawa sa Cavite City

Pinangunahan ni Cavite City Mayor at iba pang kasapi ng Cavite City Epidemiology Surveillance Unit at City Health Office ang Covid-19 Vaccination Roll-Out Orientation sa lungsod.

CAVITE CITY – Nagsagawa ng COVID-19 vaccination roll-out orientation ang lokal na pamahalaan ng Cavite City na naglalayong pataasin ang kompiyansa ng mga mamamayan pagdating sa pagpapabakuna.

Isinagawa ang COVID-19 vaccination roll-out orientation ng lokal na pamahalaan ng Cavite City sa pinakabagong auditorium ng lungsod. Photo via Cavite City Official Facebook Page.

Sa isang Facebook post ng Cavite City Official, pinangunahan ni Mayor Bernardo Paredes, Dr. Jeffrey dela Rosa ng Cavite City Epidemiology Surveillance Unit, at Dr. Lino Antonio Barron ng City Health Office ang naturang programa sa lungsod.

“This is the best and proper venue, and source of correct information with regards to the upcoming Covid-19 vaccination,” anila sa naturang Facebook post.

Pinangunahan ni Mayor Bernardo Paredes at iba pa ang COVID-19 vaccination roll-out orientation sa Cavite City. Photo via Cavite City Official Facebook Page.

Samantala, matatandaang naglaan ng P50 milyong pondo ang lokal na pamahalaan ng Cavite City para sa pagkakaroon ng bakuna kontra COVID-19.

Base pa sa hiwalay na anunsyo ng Cavite City Official, ang mga uunahing bakunahan sa lungsod ay ang mga frontliners, uniformed personnel, senior citizen, mga nasa vulnerable sector, at mga mahihirap.

Total
0
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts