Vote-rich Cavite sinuyo ni Isko

Sinuyo ni Manila mayor at presidential aspirant Isko Moreno Domagoso ang probinsya ng Cavite na tinaguriang isa sa mga vote-rich province ng bansa noong Marso 18.

Idinaos ng Aksyon Demokratiko ang kanilang rally sa Gen. Emilio Aguinaldo Shrine sa bayan ng Kawit.

Kasama rin ng alkalde ang mga kaalyado nito sa Aksyon Demokratiko kabilang ang tumatakbo sa pagkabise-presidente na si Doc Willie Ong at apat na tumatakbong senador na sina Carl Balita, John Castriciones, Samira Gutoc, at Jopet Sison.

Nanuyo ng mga Kabitenyo ang tambalang Isko-Willie Ong. Photo via The Cavite Rising.

Inendorso naman ng kilalang blogger, pro-Duterte admin, at kinatawan ng Mothers for Change partylist na si Margaux “Mocha” Uson si Domagoso.

“Alam po ninyo kaya po ako nandito ngayon ay dahil nag-switch to Isko na rin po ako. Dahil po alam niyo ba mayor taga Maynila ako, binoto kita at alam po ninyo nakita ko ‘yung bilis-kilos. ‘Yung iba po ipinapangako pa lang nila, nagawa na po ‘yan ni Mayor Isko sa Maynila,” wika ni Uson.

Nagpaabot rin ng mga mensahe ang mga senatorial candidates na sina Carl Balita, John Castriciones, Samira Gutoc, at Jopet Sison. Sumuporta rin sa kampo ng Aksyon Demokratiko si Mocha Uson. Guest naman si singer-songwriter na si Michael Pangilinan sa kanilang rally. Photo via The Cavite Rising.

Dagdag pa niya, “Ako po ay naririto para ipakita po ang suporta sa ating susunod na pangulo dahil nakita ko po kay Mayor Isko ang batang Pangulong Duterte.”

Guest naman sa naturang rally ang singer-songwriter na si Michael Pangilinan.

Ipinerisinta rin ni Doc Willie ang kanyang sarili sa mga botante at inihayag din nito ang kaniyang mga nais gawing proyekto.

“Kaya tayo tumatakbo kasi sabi ni mayor Isko kapag sinamahan ko si mayor Isko, tutulungan niya ang ating mga kababayan sa libreng gamutan, libreng operasyon, at libreng lab test, ‘yun lang po. Kaya natin siya sinasamahan at marami tayong ipapatayo na ospital na makakatulong sa inyo,” pahayag ni Ong.

Ayon naman kay Domagoso, “Umaasa ka na maging iba ang resulta sa mga programa ng gobyerno pero ang ibinoboto naman natin ay pare-pareho rin ng grupo nila. Anong mangyayari sa atin?”

“Gusto niyo ba maiba talaga? Ganito gawin natin… Sa mga supporter natin dito ng Isko-Doc Willie, huwag kayong makikipag-away sa Facebook, promise? Alam niyo kung bakit? Huwag niyo na i-stress ang mga puso at isipan ninyo kay Marites dahil mga kababayan, ‘yang mga ‘yan kaya kayo ini-stress dahil sila ay bayaran, eh kayo laway-laway lang,” dagdag pa niya.

Total
0
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts