Paskuhan sa Kawit muling nasilayan ng publiko

Agaw-pansin sa mga turista ang muling pagpapailaw ng Aguinaldo Shrine sa isinagawang “Paskuhan sa Kawit: Gabi ng Aguinaldo 2022.”

Muling nasilayan ng publiko ang pagliwanag ng Gen. Emilio Aguinaldo Shrine sa Kawit, Cavite matapos pasinayahan ang pagpapailaw ng mga Christmas lights sa parke.

Muling nagningning ang Aguinaldo Shrine sa bayan ng Kawit bilang paghahanda sa kapaskuhan.

Pinangunahan ng lokal na pamahalaan ng Kawit ang pagbubukas ng mga Christmas light sa buong parke bago magsimula ang simbang gabi noong Biyernes, Disyembre 16.

“Maraming salamat po sa lahat ng nakisaya sa ating Paskuhan sa Kawit: Gabi ng Aguinaldo 2022! Memorable po ang Paskong ito dahil muli nanaman tayong nagkasama-sama dahil napagtagumpayan natin ang hamon ng COVID-19,” pahayag ni Mayor Angelo Aguinaldo sa kaniyang Facebook post.

Bukod sa nasabing atraksyon, maaari ring magtungo ang mga turista sa Christmas bazaar tampok ang iba’t ibang klase ng mga pagkain at produkto.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

DOH, suportado ang 30 KPH speed limit sa mga lungsod para iwas aksidente

Suportado ng DOH ang pagpapatupad ng 30 kph speed limit sa mga urban road upang mabawasan ang aksidente sa kalsada, na pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga kabataang Pilipino. Binanggit ni Secretary Teodoro Herbosa na epektibo ito sa ibang bansa at sa Commonwealth Avenue, at iginiit na 70% ng aksidente ay sangkot ang motorsiklo. Ang aksidente sa kalsada ay ikalima na sa pangunahing sanhi ng kamatayan sa Pilipinas.