Mahigpit na ipinatutupad sa lungsod ng Bacoor ang curfew sa mga menor de edad mula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw, ayon kay Bacoor City Mayor Strike Revilla.
Canva Stock Photo
Pinaalalahanan ng alkalde ang mga magulang, kabataan, at barangay officials na sumunod sa mga inamyendahang City Ordinance No. 7 of 2002 patungkol sa curfew sa mga kabataan, at Ordinance No. 171 of 2021 o ang Child Development and Protection Code ng lungsod.
“Nakikiusap tayo sa lahat na makiisa sa adhikaing ito. Gayundin, ipinagbabawal po ang pagbebenta ng alak, sigarilyo, rugby at iba pang ‘addicting substances’ sa mga menor de edad,” ayon kay Revilla.
“Nakapaloob din ito sa ordinansa ng lungsod na pinagtitibay ang mga polisiya kaugnay ng mga karapatan ng kabataan, a revised version of the Bacoor Children’s Code. May karampatang parusa po ang mga lalabag dito,” dagdag pa ng alkalde.