Dagdag na P1 pasahe sa jeep aprubado na sa Cavite, karatig lugar

Inaprubahan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang hiling na dagdag-pisong pamasahe sa mga jeep sa Cavite, NCR, maging sa kabuoan ng Rehiyon 3 at 4.

Inaprubahan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang hiling na dagdag-pisong pamasahe sa mga jeep sa Cavite, NCR, maging sa kabuoan ng Rehiyon 3 at 4.

Epektibo na ang P10 minimum na pamasahe sa jeep sa unang apat na kilometro ng biyahe simula noong Hunyo 9.

Ayon sa LTFRB, ipinatupad ito dahil tinamaan nang husto ang mga tsuper sa walang prenong pagtaas sa presyo ng krudo.

Umabot na sa mahigit P100 kada litro ang presyo ng petrolyo sa ilang bahagi ng bansa at hindi umano pepreno ang pagtaas nito sa mga susunod na araw, ayon sa Department of Energy (DOE).

“Itong tuloy-tuloy na pagtaas, may expectation po tayo na mangyayari’t mangyayari sa mga susunod na week. Wala po tayong nakikitang event ngayon na siyang mag-o-offset noong push nitong mga event na tuloy-tuloy na nagpapa-increase ng ating price,” wika ni Dir. Rino Abad ng DOE sa panayam kasama ang Unang Balita.

Deregulated din umano ang oil industry kaya walang kontrol ang gobyerno sa presyuhan ng petrolyo.

Bagama’t inaprubahan na ang dagdag-pasahe, umaaray pa rin ang mga jeepney driver. Dapat pa rin umanong tutukuan ng gobyerno ang mataas na presyo ng krudo sa bansa at kung hindi man mababaan ang petrolyo, itaas ang pamasahe sa P5.

Sinabi naman ng LTFRB na sa katapusan ng Hunyo ay diringgin nito ang petisyon na inihain ng mga transport group para sa dagdag na P5.

Pinaaaalahanan naman ng ahensya na tuloy-tuloy pa rin ang pagbibigay ng fare discount sa mga PWD, estudyante, at mga senior citizens.

Thumbnail photo courtesy by REMATE Online

Total
0
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts